Ian Alfredo Magno
KUDOS to Very Worshipful Sirs Manuelito U. Acabal of RX-Misor and Cagayan de Oro City and Isidro B. Butaslac Jr. of RX-Misor and Camiguin, for the successful hosting of the 61st Masonic Convention last Jan. 12-14, 2017. The convention-proper was officially opened by Carmen Valley Lodge No. 250 led by WM Adlai T. Elizaga. The activity was adorned with the presence of Most Worshipful Voltaire T. Gazmin, Grand Master of Masons in the jurisdiction of the Most Worshipful Grand Lodge of the Philippines, and MW Peter U. Lim Lo Suy, Past Grand Master, together with dignitaries of the different Masonic Districts in the whole of Mindanao. The keynote speaker, His Excellency Rodrigo Roa Duterte, who was in Davao with Japanese Prime Minister Shinzo Abe, was ably represented by his son-in-law and First Gentleman of Davao City, Brother Manases “Mans” Carpio.
One part of the convention, as in any important Masonic affair, was the salutation to the Philippine Flag (pagpupugay sa watawat), which I had the privilege to deliver. And for such honor and trust – I am deeply thankful. It is a Filipino literary piece that elucidates the symbolisms of the Philippine National Flag, which are innately Masonic. From there, one could glean wisdom that the struggles of this country in the pursuit of freedom were largely Masonically inspired, led and bled.
Thus, below is the entire content of the manuscript dubbed as the “Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas” for your reading pleasure:
“Ang mga pinagtagpi-tagping kulay na nakaladlad sa inyong harapan ay sumasagisag sa watawat ng ating Inang bayan, ang Pilipinas.
“Ito ang kumakatawan ng sangkatauhang nagkakaisa ang bawat layunin upang maging ganap ang kabuoan ng magkakalaktaw na lupain na kailanman ay hindi maghihiwalay, na ang kapangyarihan ay panglipunan, na may iisang adhikain, malaya at makataong gawa. Ito ay simbulo ng ating pambansang kalayaan, binuo sa isipan at pumailanlang sa lahat ng mga mapagmahal at maharlikang nilalang sa bayang sinilangan.
“Nililok sa panahon ng matitipunong kamay, inilunsad ng mga taong mapagpahalaga sa bayan at iginiya ng mapagpalang kalikasan sa tamang patutunguhan. Isang moog na bakas ang sa atin ay ipinamana at buhay na alaala sa karapatan ng bawat isa.
“Kasaysayang naisulat sa panahon ng pagsisimula at pagbabalangkas ng isang matatag na bansa. Lukso ng damdaming nasa dibdib ay mananatili, mga pagmumuni-muni na kaya lang mapapawi kung wala na ang lahi at ubos na ang lipi.
“Ang araw ay naglalarawan ng patuloy na pagsibol ng bayan, at nagpapatunay sa buhay na walang hanggan, ito ang pumapatnubay sa landas na ating nilalakbay. Ang kanyang walong sinag ay palatandaan ng unang walong bayan na nagsama-sama para sa kalayaan, ang kislap ng tatlong bituin ay liwanag ng tatlong lugar na lupain, handog ng Poong Maykapal sa atin.
“Ang puting tatsulok sa atin ay hatid, matiwasay at makakapwang pahiwatig na ang kawangis ay tunay at dalisay na paggalaw, ito ang pakahulugan sa tatlong mukha ng kapatiran – tapat na paniniwala, walang hanggang pag-asa at wagas na kawang-gawa.
“Ang asul na bahagi ay nagsisiwalat ng taos pusong paglilingkod at ng ating kalidad na may malinis na hangarin para sa lahat. Ang kulay pula ay siyang nagbabadya ng ating lakas na walang hangganan, na dapat pakahawakan sa nasasakupang kalawakan.
“Sa kalahatan, ang araw, ang tatsulok at tatlong bituin na bumubuo sa ating bandila ay simbulo ng Masonerya, ‘kapatiran ng tao na nasa pangangalaga ng Diyos Ama.’
“Bilang pangarap ng ating mga kanunuan, ito ay bayaang magwagayway nang malaya sa ating mga lupain nang buong tiwala. Inyong pagmasdan ang ating watawat na inililipad-lipad ng hanging habagat, na sa kanyang ganda at dilag ay walang kahalintulad. Ang siyang pinagkukunan ng lakas at tapang ng ating mamamayan sa buhay na tahimik, malaya at may sariling galaw.
“Ito ay dapat pugayan sapagkat dito nagmumula ang tuwa at kagalakan ng ating mga ninuno at bayani maging noong una pa mang kapanahunan. Ang labi ay idampi bilang pagkilala sa bandila ng mga matatapang na bunga ng ating Rajah Solaiman at Maria Clara. Ikuyumos sa dibdib ang pinahahalagahang kulay na ang kaakibat ay ang Inang bayang Pilipinas.
“Ito’y isapuso para matantong ganap ang kadakilaang gumagabay sa bawat alon ng ating buhay. Igawad ay pagmamahal upang malasap ang katumbas sa pagbubuwis ng buhay ng ating mga namayaning kapatid sa digmaang tinugaygay.
“Ibigay ang karapat-dapat na paggalang dahil ito ang aninong gumagalaw na sa atin ay lumulukob sa lupang sinilangan. Ipaubaya sa kataas-taasan hanggang sa dako pa roon, kahit ito ay piping saksi na nagkanlong sa mga duguan at luray-luray na himaymay ng ating mga bayaning binawian ng buhay.
“Ialay ang kabanalan sa ating Panginoon ng mga kapatid at bayaning hindi na nakabangon, na ngayon ay nasa kalinga na ng Mahal na Poon. At ipagkatiwala nang buong tapat sa kalangitan at sa mabuting kaugalian na ating kinagisnan.
“Sana ito ay pakaingatan para sa kinabukasan ng ating mga anak at mga anak pa ng ating anak. Ito ay matamang papurihan at taimtim na dasalan na ang mga namatay nang dahil sa bayan ay hindi namatay lang nang walang kabuluhan.”
E-mail: ianalfredom@gmail.com