- Ang namumuno ng institusyon o bahay-ampunan ang siyang tatayong guardian o tagapangalaga nila. Maaaring magtalaga ang institusyon o bahay-ampunan ng higit sa isang tagapangalaga.
- Sa mga batang walang magulang at wala sa institusyon o bahay-ampunan, ang lolo o lola, kapatid na 21 taong gulang pataas, o kamag-anak na kumukupkop sa mga bata ang siyang tatayong tagapangalaga nila maliban kung mag-takda ang Korte ng ibang tagapangalaga.
- Para sa institusyon o bahay-ampunan, sa halip na PMRF, maaari ring ipasa ang talaan ng mga residente gamit ang prescribed format mula sa Philhealth. Ipapasa rin ang kopya ng DSWD accreditation ng institusyon.
- Para sa mga mag-aampon sa pamamagitan ng legal adoption, ang Pre-Adoption Placement Authority (Papa) ay ipapasa kasama ng PMRF.
- Ang bawa’t bata ay tatalagaan ng PhilHealth Identification Number o PIN na panghabang buhay. Ito ay makikita sa Member Data Record o MDR na ipagkakatiwala sa tagapangalaga o guardian ng bata. Ang pangalan ng guardian o tagapangalaga ay makikita sa MDR.
- Ang mga residenteng nasa institusyon o bahay-ampunan na may edad na mababa sa 21 taong gulang ay ipatatala bilang pangkat. Ang isang pangkat ay hanggang sa 3 bata.
- Ang mga 21 taong gulang pataas na may kapansanan na nasa pangangalaga ng institusyon o bahay-ampunan ay maaaring isama at ipatala bilang kapangkat.
- Ang mga residenteng mahigit sa 21 taon gulang at residente na hindi hihigit sa 21 taon gulang ngunit may sariling anak ay indibidwal na ipatatala upang masigurong saklaw ng PhilHealth ang kanyang anak.
- Para sa mga 21 taong gulang pataas na nasa pangangalaga ng institusyon o bahayampunan, at sa mga wala pang 21 taong gulang ngunit may sariling anak, ang PhilHealth contribution na P2,400 kada taon sa bawat indibidwal ay babayaran ng institusyon o bahay-ampunan.
- Sa mga batang aampunin sa pamamagitan ng legal adoption, ang P2,400 Philhealth contribution kada taon ay babayaran ng mag-aampon para sa bawa’t batang aampunin.
- Sa mga lolo at lola, kapatid, kamag-anak, at legal guardians, babayaran nila ang PhilHealth contribution na P2,400 kada taon para sa bawa’t bata.
- Ano ang benepisyong makukuha ng Philhealth Sponsored Member?



